Unlimited, Limited
Wednesday, September 28th, 2005Ang galing galing talaga ng Globe!
Kung icocompare sa Smart at Sun, eto na ata ang may pinakamabagal na reaction time.
I mean, kung tao siya, at nagjojoke yung mga kaibigan niya, mga limang minuto pa ang gugugulin bago siya maka-utter ng "ha..ha.."
Hainaku!
Kaya naman nung nalaman kong may txt nonstop na ang Globe, you could just imagine my reaction. Aargh!
haha
Kung kelan kasi nakaline na ang phone ko saka lang nila naisip na gawin yun ano!
haha ulet
Still, lately launching an unlimited text promo is still better than no promo at all. At masaya naman kasi inextend ng Globe up to 27 Oct ung promo. At pwede na yung mga nakaplan. Ang bait ni God! At tamang tama rin kasi marami ako talagang katext ngayon: si Roni (baleew! crazy! nyahaha) na talagang magtetext pa sayo na "m bored. nsa jip ako. tok 2 me." para lang magtext ka (aww..), si Kuya Aidz na never na tumigil sa katetext at kapipindot ng "nyahahaha" sa bawat text message (aww…), si Ninya, ang bespren kong never ko pang nakita after gr.6 pero lagi pa ring humihingi ng advice sa pag-ibig, si Jolupie, na naka-unli dahil naimpluwensyahan ko ata, at marami pang iba. Ang sayasaya. Masakit na thumb ko sa katetext, pero okeeey lang!
Sana forever na to! Hehe. Asa pa ko no?! O well. May plan pa naman eh.